Hindi pa kakayanin ng Pilipinas ang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa.
Ito’y ayon kay Cabinet Sec. Carlo Nograles, Co-Chairperson ng Inter-Agency Task force management of infectious disease (IATF), sa gitna na rin ng panawagang alisin na ang travel restriction sa mga dayuhang may kasintahang Pilipino.
Sinabi ni Nograles na dapat munang maging handa ang bansa sa pagtanggap pa ng karagdagang dayuhan gaya ng pagtitiyak ng pagkakaroon ng sapat na quaratine facilities o isolation facilities para sa mga ito.
Sa kabila nito, ani Nograles, may inilalatag naman na ng gobyerno ang guidelines kaugnay naman sa international travel sa mga Pilipino, kaya’t maaari itong maging paraan upang muling makapiling ng mga Pinoy ang kanilang dayuhang partners.
Samantala, binigiyan diin din ni Nograles na unti-unti nang binubuksan ng gobyerno ang domestic tourism sa bansa at kapag isandaang posyentong handa na ang Pilipinas ay ibabalik na rin ang international tourism. — sa panulat ni John Jude Alabado