Apektado ang Pilipinas sakaling tuluyang maglaho ang mga ice shelf sa bahagi ng Antartica sa pagsapit ng taong 2020.
Ayon kay Project Noah Executive Director Alfredo Mahar Lagmay, tataas ang tubig sa karagatan o sea level sakaling matunaw ang mga yelo sa Antartica na siyang extension ng mga glaciers.
Taun-taon aniya ay nagkakaroon ng sea level rise sa Pilipinas sanhi ng pagkatunaw ng mga yelo sa Antarctica na nagdudulot ng mga pagbaha sa mga mababang lugar sa bansa.
Matatandaang nagbabala ang National Aeronotics and Space Administration o NASA hinggil sa pagkatunaw ng mga glaciers sa Antarctica.
“Dito po sa Pilipinas yung sea level rise ay siguro may mga nasusukat mula 2-4 millimeters per year, ang nagiging bunga kapag tumaas ang tubig sa karagatan, eh sa mga babaying dagat, mas mataas ang tubig ang mangyayari po niyan ay mas babahain po yung mga nasa baybaying dagat.” Pahayag ni Lagmay.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita