Aangkat ng 3000,000 metriko tonelada ng bigas ang bansa para madagdagan ang buffer stock.
Ito ayon sa Department of Agriculture (DA) ay kasunod na rin nang pormal na pagbubukas ng Philippine International Trading Corporation (PITC) sa government to government rice importation mula sa mga kalapit na mga bansa tulad ng Myanmar, Vietnam, India at Cambodia.
Una nang inalis ng Gobyerno ang importation capacity ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ng rice tariffication law na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte nuong Pebrero 2019.
Kayat simula Marso 2019 ay pinayagan na ng Pilipinas ang unlimited importation ng bigas hanggat may phytosanitary permit na makuha ang mga traders mula sa Bureau of Plant and Industry at makapagbayad ng 35% na taripa para sa shipments mula sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia.