Mapapasakamay na ng Pilipinas sa mga susunod na araw ang isang test kit na mabilis na makaka detect ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kumpara sa polymerase chain reaction (PCR) machine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang US based company na Cepheid ay nakapag develop ng cartridge na inaprubahan ng FDA para sa detection ng sars-cov-2 na siyang nagdudulot ng covid.
Sinabi ni Vergeire na ang tatlong libong cepheid genexpert cartridges na darating sa mga susunod na araw ay ipapamahagi sa mga laboratoryo na mayruong expert machines na compatible dito.
Ang Cepheid test kits na gagamitin kasama ng mga dinivelop ng University of the Philippines ay isang test na ginagamit para sa diagnosis ng tuberculosis at automated na ang prosesong ito na mas mabilis ngang makakuha ng resulta kumpara sa PCR machines.