Malabong maging rice self-sufficient ang Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon kay Rosendo So, lider ng SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura, hindi sa pagiging rice self-sufficient ang direksyon ng kasalukuyang administrasyon.
Mapapansin anya na lumiliit ang suportang ibinibigay sa sektor ng pagsasaka lalo na sa pagpapalawak ng mga lupaing may irigasyon.
Maliban dito, marami rin anyang mga lalawigan ang pinatitigil na lamang magtanim ng palay kung hindi nila kayang sumabay sa presyuhan ng imported na bigas.
“’Yung bagong batas na gagawin yung tariffication, I think 6 to 7 provinces ang hindi compeatable doon sa 35% tariff, ang sabi ng NEDA kapag hindi niyo kayang mag-compete eh magtanim kayo ng ibang crops, ang tanong namin sa NEDA anong pondo ang ibibigay sa mga magsasaka para mag-shift sila sa ibang crops, ang sabi nila yung taripang makokolekta nila sa bigas.” Pahayag ni So
Price hike
Samantala, posibleng marami ang magsamantala sa sama ng panahon para magtaas ng presyo ng bilihin.
Tinukoy ni So, lider ng SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura ang napaulat na pagtaas ng presyo ng isda at gulay.
Ayon kay So, normal lamang na paiba-iba ang presyo ng isda at gulay, depende sa panahon subalit hindi sa panahong ito na bago pa lamang naman umuulan sa mga lalawigan.
(Ratsada Balita Interview)