Dapat tapatan ng Pilipinas ang paggamit ng China ng kasaysayan sa isyu ng West Philippine Sea.
Binigyang diin ito ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Ayon pa kay Carpio, kung tutuusin ay mas malakas ang ebidensyang hawak ng Pilipinas dahil mahigit 200 taon nang ipinapakita ang mga nasabing dokumento bukod pa sa mga lumang mapa kaysa sa iginigiit ng China na 9 dash line na kailan lamang nilimbag.
Kasabay nito, pinayuhan ni Carpio ang DFA na ituluy-tuloy lamang ang information drive hinggil sa West Philippine Sea at sa isyu ng agawa ng teritoryo sa pagitan ng China at Pilipinas.
By Judith Larino