Isa ang Pilipinas sa limang bansang may pinakamataas na nababakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ASEAN.
Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, halos 150,000 ang nababakunahan bansa sa loob lamang ng isang araw.
Ito ay mas mataas kumpara sa Thailand, Indonesia, Myanmar at Vietnam.
Ipinagmalaki rin ni Galvez na isa ang Pilipinas sa apat na bansa na nagpakita ng tinatawag na adequate o sapat na pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ASEAN, ang Philippines na po ang pinaka-highest among the capital five largest ASEAN countries. Ibig sabihin po tayo na po ang pinakamataas mag-inject ng jabs every day,” ani Galvez.
Bukod dito, sinabi ni Galvez na umaasa ang pamahalaan na matarget ang 500,000 kada araw sa ikatlong bahagi ng taon habang 740,000 naman sa ikaapat na bahagi ng taon.
Ito po patataasin yung ating jabs per day. Kayang kaya natin ang 500,000 to 740,000 per day. Kapag dumami na ang ating volumes tataaas ang ating vaccination,” ani Galvez.