Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang mababang score ng Pilipinas sa Nikkei Asia COVID-19 recovery index.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, noong mga panahon na sinuri at isinagawa ang analysis ng naturang survey. Nasa kalagitnaan ang Pilipinas ng pananalasa ng delta variant.
Dagdag pa ni Vergeire, ang programa sa pagbabakuna ng gobyerno ay naapektuhan rin ng pagtaas ng impeksyon dahil na rin sa mga kumakalat na variant sa bansa.
Noong Setyembre sa nangulelat ang Pilipinas sa global coronavirus recovery index kung saan mula sa 121 bansa, lumagpak sa 121st spot ang Pilipinas mula sa 120th rank noong Agosto 31 habang pumalit sa 120th ang Vietnam.
Kabilang sa pinagbatayan ng naturang survey ay ang mababang vaccination rate ng bansa kung saan 30% pa lamang ng populasyon ang nababakunahan.
previous post