Nakakuha ng puwesto ang Pilipinas sa Loss and Damage Fund Board sa 28th United Nations Climate Change Conference o COP28 sa Dubai.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan isiniwalat niyang magiging miyembro ng board ang bansa sa parang taong 2024 at 2026.
Dahil dito, sinabi ni PBBM na magkakaroon na ng boses ang Pilipinas sa pamamahahala sa lahat ng pondong papasok na magmumula sa iba’t ibang panig ng mundo para maibsan at malabanan ang climate change na napakahalaga aniya sa bansa.
Maliban dito, umaasa naman si Marcos na ang gobyerno ang magiging host ng Loss and Damage Fund sa bansa matapos nga itong makakuha ng puwesto sa board. - sa panulat ni Jeraline Doinog