NAKATANGGAP ang Pilipinas ng 48.7 million pesos na halaga ng cold chain equipment at iba pang assistance mula sa Australia sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund o Unicef Philippines.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, matagal nang kaibigan ng bansa ang Australian government na naghahatid ng ayuda mula pa noong unang bahagi ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga natanggap na donasyon ng Pilipinas ay tatlumpung solar-powered vaccine refrigerators, walong walk-in cold rooms na may generators, mahigit isang daang spare parts, at dalawampung sets ng personal protective equipment.