Nakikipag-usap na ang Pilipinas sa Serum Institute of India (S.I.I.) para pag-aralan ang posibilidad na magawa ang local vaccine production.
Ayon ito kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr, na kakabalik lamang mula sa India kung saan siya lumagda sa kasunduan para sa 30 million Novavax doses.
Sinabi ni Galvez na nakipag-usap na siya sa S.I.I para sa posibilidad na ibalik ang kakayahan ng bansa na makapag-produce ng sariling bakuna at handa aniya ang mahigit 100 scientist ng India na nais tumulong sa bansa para sa sariling COVID-19 vaccine ng Pilipinas.
Ang S.I.I ang kinukunsider na pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo at pangunahing supplier ng COVID-19 vaccine ng British-Swedish drugmaker na AstraZeneca.