Nangunguna sa pinakamalaking bilang ng mga napapatay dahil sa pakikipaglaban sa karapatan sa lupa ang Pilipinas.
Batay sa datos ng PANAP o Pan Asia Pacific na isang advocacy group, mahigit dalawang katao ang napapaslang kada linggo nang dahil sa pagprotekta sa kanilang lupain laban sa pamahalaan, pribadong mga kumpaniya at maging mga criminal gayundin ang mga nananamantala sa mga lupain para makakuha ng troso, mga mineral at palm oil.
Ngayong taon ay may animnapu’t (60) isang biktima ng land rights killings habang sinundan ito ng Brazil na may dalawampu’t dalawang (22) biktima.
Samantala, ayon naman sa isa pang advocacy group na naka-base sa United Kingdom na Global Witness, nasa isandaan at pitumpu (170) ang napapaslang sa buong mundo sa kaparehang dahilan.
Mahigit kalahati sa mga naitatalang paglabag sa karapatan sa lupa ay dahil sa mga mining companies, plantasyon, planta ng kuryente, mga infrastructure projects at mga real estate developments.