Naniniwala si Philippine Olympic Committee Chairman Bambol Tolentino na makakakuha ng gintong medalya ang Pilipinas sa gaganaping Tokyo Olympics sa July 24.
Ayon kay Tolentino, kung mangyayari ito, ito ang kauna-unahang gintong medalya na matatanggap ng Pilipinas sa naturang Torneo.
Kabilang sa inaasahang makakasungkit ng medalya sa international sporting event ay ang pole vault ace na si EJ Obiena, Golfer Yuka Saso, Gymnast Carlos Yulo, weightlifting veteran Hidilyn Diaz, at skateboarder Margielyn Didal.
Sinabi ni Tolentino na ang 19 na manlalaro na isasabak sa olympics ay dumaan sa matinding paghahanda at pag-eensayo.
Sa nasabing bilang ng mag atleta, apat na lamang ang naghihintay para sa kanilang flight patungo sa Tokyo sa mga susunod na araw.