Naitala ang Pilipinas sa mga bansang pinakamasaklap mamatay ayon sa 2015 Quality of Death Study Index na sinundan ng Iraq at Bangladesh.
Ayon sa report ng Economist Intelligence Unit, na kinomisyon ng Singapore Non-profit Lien Foundation, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nakakuha ng mababang marka sa kalidad ng tinatawag na end-of-life care.
Ang Quality of Death Index ay sinukat sa limang kategorya – palliative at healthcare environment, human resources, affordable care, quality of care at level of community engagement.
Ang mababang ranggo ng Pilipinas sa kabuuang scores ng quality of death index ay isinisisi sa matinding kakulangan ng specialized palliative care professionals, kakulangan ng government-led strategy for the development at promotion of national palliative care.
Samantala, ang United Kingdom ay ikinokonsidera bilang best place para mamatay sa mundong ito, kabilang ang mga mayayamang bansa tulad Australia, New Zealand, Ireland, Belgium, Taiwan, Germany, The Netherlands at US.
By Mariboy Ysibido