Nasa low-risk classification sa COVID-19 na ang Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Department of Health matapos ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa moderate risk o kaya naman ay low risk classification na lang.
Naitala na lamang sa negative 48% ang two-week growth ng COVID-19.
Batay sa datos ng DOH, 41.15% na lang ang bed utilization rate sa bansa, 37.65% sa mechanical ventilator utilization rate 53.15% sa ICU utilization rate.