Sa kabila ng samu’t saring isyu gaya ng napakabagal na broadband speed, ang Pilipinas pa rin ang natatanging bansa sa Southeast Asia region na nagtatamasa ng internet freedom.
Ito’y ayon sa freedom house, isang non-profit organization sa Washington DC, base na rin ito sa pinaka-huling findings ng grupo na inilabas nitong Oktubre 27.
Binanggit naman sa report na ang internet freedom ng mga Pinoy ay unti-unti nang bumabagsak mula nang unang i-evaluate noong 2012.
Bagama’t sinasabing “free” o malaya, maliit lamang umano ang nakikitang progreso pagdating sa pagpapaganda ng internet service, mataas na subscription cost, at kawalan ng serbisyo sa mga komunidad sa labas ng mga kalunsuran.
Maliban dito, pinuna rin ng freedom house ang kawalan ng sistematikong censorship ng online content sa Pilipinas.
By Jelbert Perdez