Pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming nasasawi dahil sa indoor air pollution sa Asia Pacific.
Ayon sa World Health Organization o WHO, halos walumpu’t apat sa bawat isandaang libong Pilipino ang nasawi noong 2016 dahil sa polusyon sa loob ng bahay.
Maliban dito, pumapangatlo ang Pilipinas pagdating sa may pinakamaraming namamatay dahil naman sa outdoor air pollution.
Lumalabas na apatnapu’t lima punto tatlo ang namamatay sa bawat isandaang libong Pinoy ang namamatay dahil dito.
Sinasabing ang paggamit ng kerosene at panggatong ang posibleng dahilan ng mga pagkakasawi na may kaugnayan sa indoor air pollution.
—-