Nasa ika-48 na puwesto ang Pilipinas sa 110 bansa pagdating sa “global digital quality of life”.
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng cybersecurity firm na Surfshark ang bagong puwesto ngayon ng bansa ay nangangahulugan ng improvement.
Binibigyang-diin ng panibagong ranking na ito ang pagbabago sa digital landscape na naganap sa bansa sa gitna ng kinakaharap na global health crisis dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa Surfshark, ipinapakita lamang nito na napakahalaga ng pagkakaroon ng digital opportunities lalo ngayong pandemya para manatiling buhay ang ekonomiya ng bansa.
Samantala, nasungkit naman ng Denmark ang unang puwesto na sinundan ng South Korea, Finland, Israel at United States.