Pasok na naman ang Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation (ITUC) sa 10 worst countries para sa mga manggagawa sa buong mundo.
Sa kanilang report kabilang sa tinukoy ng ITUC na dahilan na maituturing na worst country sa mga manggagawa ang pang aabuso ng gobyerno at mga kumpanya sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng karapatang mag strike, mag organisa ng unyon at malayang pamamahayag.
Matapos ipalabas ang 2021 global rights index binigyang diin ni Sharan Burrow, general secretary ng ITUC na patuloy ang pag-atake sa mga manggagawa sa mga bansang Bangladesh, Belarus, Brazil, Colombia, Egypt, Honduras, Myanmar, Pilipinas, Turkey at Zimbabwe.
Nasa 149 na mga bansa ang isinailalim ng ITUC sa ika-walong edisyon nito ng global rights index.