Posibleng magkaroon na ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa ikalawang bahagi ng taong 2021 ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, tuloy-tuloy ang mga foreign manufacturer sa pagde-develop at pagsasailalim sa mga trial ng mga posibleng maging bakuna kontra COVID-19.
Ang mga siyentipiko at medical experts umano sa buong mundo ay halos walang tigil sa pagtuklas ng bakuna o gamot laban sa COVID-19.
Ani Vergeire, kinakailangan munang matiyak na ligtas at mabisa ang naturang bakuna bago ito payagang ilabas ng gobyerno at ibenta.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas nanaisin niyang piliin ang bakuna mula sa Russia o China dahil ang iba umanong bansa na nagdedevelop din ng bakuna ay humihingi na ng paunang bayad para rito.