Posibleng magkaroon ang Pilipinas ng sarili nitong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Cynthia Saloma, maaaring katulad din ito sa mga unique variant ng coronavirus na mula United Kingdom, South Africa at Brazil ang mabuo sa bansa kapag patuloy ang pagtaas ng kaso nito.
Dagdag pa ni Saloma, pwedeng mapigilan ang pagkakaroon ng local variant sa Pilipinas kung bababa ang COVID-19 infections.
Magugunitang, kinumpirma na ng Department of Health (DOH) na mayroon nang local transmission sa Bontoc, Mt. Province matapos magpositibo sa UK COVID-19 variant ang 12 residente ng bayan. —sa panulat ni John Jude Alabado