Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III na posibleng maranasan din ng Pilipinas ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na gaya sa India.
Ito aniya ay kung hindi susunod ang publiko sa ipinatutupad na minimum health standards at hindi pagpapaigting sa COVID-19 pandemic response ng bansa.
Dagdag ni Duque, dapat ay matuto ang Pilipinas sa nararanasan ngayon ng India at ibang bansa.
Gayunman, sinabi ni Duque na hindi pa naman maituturing ang Pilipinas na wala nang pag-asa; madadaan pa umano ito sa mga simpleng paraan gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, proper ventilation at iba pang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.