Puspusan na ang paghahanda ng Pilipinas upang mapigilang makapasok sa bansa ang Delta COVID-19 variant na nananalasa ngayon sa India, Indonesia at mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinaka-mabisa pa ring proteksyon kontra COVID ang bakuna kaya’t dapat ng samantalahin ng taumbayan ang libreng vaccination ng gobyerno.
Tiniyak naman ni Vergeire na kakayanin ng healthcare system ng Pilipinas sa sandaling umabot muli sa 10,000 peak cases ng COVID-19.
Gayunman, umaasa ang DOH Official na hindi na hahantong ang Pilipinas sa sitwasyong kinakaharap ngayon ng Indonesia na nakapagtala ng mahigit 56K panibagong kaso. —sa panulat ni Drew Nacino