I-e-export na ng Pilipinas ang sobra nitong oxygen supply sa Indonesia upang matulungan ang karatig-bansa sa kampanya nito kontra COVID-19 pandemic.
Nakipag-pulong na si Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee kay Trade Secretary Ramon Lopez sa planong pag-e-export ng oxygen tanks sa Indonesia.
Ayon kay Wee, sobrang nipis na ng supply ng oxygen tank at napaka-mahal na nito sa Indonesia dahilan upang maging desperado na ang maraming kaanak ng mga COVID-19 patient.
Gayunman, nilinaw ng embahador na hindi ito donasyon at isang filipino company ang mag-su-supply ng sa Indonesia. —sa panulat ni Drew Nacino