Handang tumulong ang bansang Colombia sa laban ng Pilipinas kontra sa illegal drugs.
Ito ang ipinabatid ni Colombian President Juan Manuel Santos nang magkaroon ito ng bilateral meeting kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang kahapon.
Ang Colombia, isang bansa sa South America ay isa sa top producer ng illegal drugs tulad ng cocaine at marijuana.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. nag-offer ng tulong si President Santos sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasan nito sa anti-insurgency at anti-illegal drugs campaign.
By Mariboy Ysibido