Target ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines.
Ayon ito kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. mula sa paunang target na 148 million doses lamang ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Galvez, na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing facility matapos tumaas ang produksyon ng bakuna.
Kasunod na rin ito aniya nang pagtupad ng World Health Organization at Covax Facility sa commitment nito, pagbabahagi ng mga mayayamang bansa ng sobrang bakuna nila at pakikipag negosasyon ng gobyerno sa vaccine manufacturers.
Inihayag ni Galvez, na nakuha na ng bansa sa murang presyo ang mga bakuna kayat makaka-secure na ang Pilipinas ng 202 million doses nito na kinabibilangan ng 40 million doses mula sa Pfizer BioN’tech kung saan pipirmahan nito at ng Pilipinas ang terms para rito.