Tumanggap ang Pilipinas ng P1.38 billion na halaga ng mga armas pang depensa mula US Defense Department.
Itinurn-over ni US Secretary Of Defense Christopher Miller ang mga armas kay Defense Sec. Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.
Kabilang umano sa mga armas na ibinigay ng us ay mga sniper at anti-IED equipment.
Nagpasalamat naman si Lorenzana sa patuloy na suportang ibinibigay ng estados unidos sa Pilipinas sa patuloy nitong pagtulong upang mapaigting depensa ng bansa.