Malinaw na walang koordinasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccine para sa bansa.
Ito ayon kay Senador Panfilo Lacson ay dahil nagkakanya kanyang hakbang o inisyatiba ang local government units sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 para sa kanilang constituents.
Sinabi ni Lacson, na ang mga LGU ay kumikilos sa harap ng kabigyan ng national government na gawin ang trabaho nito pagdating sa bakuna.
Una nang hinimok ni Lacson, ang DOH at FDA na magpakita ng sense of urgency sa pagbili at pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.
Mamamatay aniya ang mga Pilipino sa walang katapusang pag-aaral ng DOH at FDA sa COVID-19 vaccine dahil malamang mapag iwanan na tayo.