Wala umanong basbas ni Vice President Jejomar Binay ang pagbubunyag ni UNA Interim President Congressman Toby Tiangco laban sa residency ni Senador Grace Poe.
Ayon kay Binay, pinigilan pa niya si Tiangco na ilantad ang naturang usapin at huwag ilabas ang COC o Certificate of Candidacy ng senadora.
Pinakiusapan pa aniya si Tiangco na hayaan na lamang sa iba manggaling ang pagbubunyag ng nasabing usapin.
Sinabi pa ni Binay na matagal na niyang alam ang isyu.
By Judith Larino