Umakyat na sa P1.9 Billion ang pinsalang dulot ng bagyong Nona sa sektor ng agrikultura.
Base sa Department of Agriculture, pinaka-malaking nakapagtala ng pinsala sa mga maisan na umabot sa P934 million; Palayan, P683 million at high-value crops, P350 million.
Ayon kay Andrew Villacorta, DA Regional Director for Central Luzon, ang kanilang rehiyon partikular sa Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija ang nagtamo ng pinaka-naapektuhan pagdating sa sektor ng agrikultura.
Patuloy na anya kanilang pamamahagi ng mga binhi sa mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad.
By: Drew Nacino