Para mapalakas pa ang pag-ikot ng mga barya sa bansa , nag deploy na ang BSP at SM store ng unang coin deposit machines sa SM store sa SM Mall of Asia simula ngayong araw na ito , June 20.
Ang nasabing coin machine ay isa lamang sa labing walong coin deposit machines na magiging available sa SM stores at SM Supermarkets.
Kabilang sa mga nanguna at sumaksi sa pag-deploy ng kauna-unahang coin deposit machine sina SM Supermalls Senior Vice President for Marketing Jonjon San Agustin, SM Supermalls President Steven Tan, BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, SMIC Vice Chairperson Tessie Sy-Coson, BSP Governor Felipe Medalla, BSP Deputy Governor Bernadette Puyat, SM Retail Director Ricky Lim, SM Store Executive Vice President Dhinno Tiu, at SM Retail Vice President of Treasury Jeffrey Ang.