Naging makabuluhan ang pagbisita nina UniTeam Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential Aspirant Sara Duterte sa Borongan, Eastern Samar, nitong Lunes, November 29.
Pinasinayaan ng BBM-Sara tandem ang pagbubukas ng UniTeam headquarters sa Borongan City.
Isang motorcade din ang isinagawa nila bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Boronganon sa kanilang tambalan.
Napuno naman ng mga tao na nakapula at berde ang mga kasuotan ang kahabaan ng Bay Boulevard sa pagdating nina BBM at Sara para sa isang maigsing programa sa pangunguna ni 4P’s Partylist Rep. Nonoy Libanan.
Labis naman na ikinatuwa ni Marcos Jr. ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Samar sa kanilang tambalan ni Sara.
Para sa kanya, ang kanilang pagsasama sa UniTeam ay isang napakahalaga sa patuloy na pagkakaisa ng mga lider sa Pilipinas at mismong mga mamamayan sa pagharap ng bansa para malabanan ang pandemya at mapaigting pa ang kumpiyansa ng bawat Pilipino sa hangaring maipagpatuloy at mas pagbutihin pa ang nasimulan ng administrasyong Duterte.