Target ng pamahalaan na ilapit sa publiko ang PinasLakas Program upang mapataas ang bilang ng mga makatatanggap ng COVID-19 vaccine booster dose.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ibababa na ang mga bakuna sa mga opisina; mga pabrika; malls; transport terminals; religious places, tulad ng simabahan at mosque; mga pampublikong lugar, tulad sa plaza, mga palengke, paaralan, mga klinika, mga ospital, at maging sa mga botika.
Sa pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, mas magiging madali na para sa publiko na makuha ang kanilang unang booster shot dahil mismong ang mga miyembro na ng naturang programa ang siyang pupunta para ipamahagi ang mga bakuna.
Matatandaang muling hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang publiko na magpa-booster dose na para sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya ng bansa.