Hindi nasasagot ng Pinaslakas Vaccination Campaign ang takot ng mga Pilipino sa side effects ng COVID-19 booster shots.
Ayon ito kay Dr. Maricar Limpin, Immediate Past President ng Philippine College of Physicians (PCP) dahil “more political” aniya ang dating ng nasabing kampanya kaya’t hindi ito makabuluhan sa publiko.
Sinabi ni Limpin na sa naturang kampanya, lalakas ang Pilipinas subalit dapat ding makita ang inaasahang aksyon mula sa publiko.
Magugunitang target ng gobyerno na hanggang nitong Hulyo ay makapagbigay ito ng booster shots sa 23 million Pinoys subalit hanggang nitong September 6 ay nasa 2.2 million pa lamang ang nabibigyan ng booster jabs.