Dinagsa ng mga taga suporta nito ang paghahatid sa huling hantungan ng pinaslang na barangay chairwoman ng Bagong Silangan Quezon City na si Criselle Beng Beltran.
Alas dies pa lamang kaninang umaga nang umalis ang karosang lulan ang kabaong ni Beltran sa barangay hall at inihatid ito sa Forest Lawn Memorial Park sa Rodriguez Rizal.
Bitbit ang mga placards na may nakasulat na katarungan para kay kapitana beng, isinisigaw ito ng mga nag aabang na taga suporta ng yumaong opisyal sa mga kalsadang dinanan ng prusisyon.
QC barangay chair Beng Beltran, naihatid na sa kanyang huling hantungan | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/4uoTwB5lHV
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 9, 2019
Hanggang sa mismong puntod, halos hindi magkamayaw ang mga supporters ni kapitan beng kung saan, nagpalipad pa sila ng mga puting lobo sabay sigaw ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang pamilya beltran na makamit ang hustisya.
Emosyunal ding namaalam ang mga anak ng yumaong barangay chairperson sa kanilang ina gayundin ang kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan.