Nakatakdang gawaran ng DOH ng Posthumous Award ang pinaslang na barrio doctor na si Dr. Dreyfus Perlas.
Ipinabatid ni Health Secretary Paulyn Ubial na idedeklara nilang Hero on National Health si Perlas.
Kasabay nito tiniyak ni Ubial ang pagpapatuloy ng Doctor to the Barrios Program dahil hindi aniya dapat magpatalo sa terorismo at dapat na patuloy na manindigan sa hustisya at karapatan ng Health Workers.
Si Ubial ay nagtungo sa burol ni Perlas sa Aklan para personal na makiramay sa pamilya nito.
By Judith Larino