Inaprubhan na ng Seoul Central District Court ang warrant of arrest laban sa pinatalsik na Pangulo ng South Korea.
Si dating South Korean President Park Geun-Hye ang kauna-unahang halal na Pangulo na pinatalsik sa South Korea dahil sa alegasyon ng panunuhol at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Posibleng abutin ng hanggang dalawampung (20) araw si Park sa kulungan habang siya ay iniimbestigahan.
Sinasabing nakipagsabwatan si Park sa kaibigan niyang si Choi Soon-Sil upang i-pressure ang mga malalaking negosyante na magbigay ng kontribusyon sa mga foundations na sumusuporta sa kanya.
By Len Aguirre