Nailibing na ang pinaslang na alkalde ng General Tinio Nueva Ecija na si Mayor Ferdinand Bote pasado alas-10:30 kanina.
Bago ito, isang misa ang ginanap para kay Bote sa Bethany United Methodist Church kung saan nagbigay ng mensahe ang panganay na anak ng alkalde.
Napuno ng emosyon at pasasalamat sa mga tagasuporta ni Bote ang naging mensahe ng kanyang anak.
Hiniling din ng pamilya ang hustisya at agarang pagkakalutas sa kaso ng pagpaslang kay Bote.
Mula naman sa simbahan, daan-daang kaanak, kaibigan, tagasuporta, residente at mga katrabaho ni Bote ang nakiisa sa funeral procession patungong public cemetery kung saan inilibing ang pinaslang na alkalde.
Saglit din itong huminto sa harapan ng munisipyo para sa pagbibigay pugay ng mga residente ng General Tinio sa alkalde.
Si Bote ay pinagbabaril at napatay habang papalabas ng tanggapan ng National Irrigation Administration o NIA sa Cabanatuan noong Hulyo 3, isang araw lamang matapos ang pagpalang kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.
—-