Malapit nang mapuno ang mga Emergency Field Hospital ng Philippine Red Cross sa National Kidney Transplant Institute at Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City.
Dahil dito, ipinag-utos ni PRC Chairman Senator Richard Gordon ang pagdadagdag ng kama sa LCP at nkti bunsod ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Sinabi pa ng Senador na magdagdag rin sila ng medical tents at emergency field hospitals sakaling magpatuloy ang pagtaas ng mga kaso ng virus.—sa panulat ni Hya Ludivico