Pinatunayan ng DNA test na Indonesian couple ang nasa likod ng pagpapasabog sa simbahan sa Jolo, Sulu.
Ito ang kinumpirma ng Indonesian police spokesman na si Dedi Prasetyo, matapos mag positibo na ang mag asawang Rullie Rian Zeke at Ulfah Handayani Saleh nga ang utak ng pagpapasabog sa Sulu.
Una nang napaulat, na dalawang suicide bombers na may detonated explosive belts ang responsable sa nangyaring pagsabog.
Matatandaang, nangyari ang nasabing pagpapasabog noong Enero na dahilan ng pagkamatay ng 21 Pilipino.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.