This is a developing story. Please refresh page for updates.
Arestado ang isang Pinay matapos mahulihan ng milyon-milyong halaga ng shabu sa NAIA Terminal-3 ngayong umaga ng Biyernes, ika-8 ng Nobyembre.
TINGNAN: P40-million halaga ng shabu, nasabat ng Customs mula sa isang pasaherong kinilalang si Marie Guillermo Ruzol | via @raoulesperas pic.twitter.com/XPgfgBMYXT
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 8, 2019
Ito’y makaraang makumpiska mula sa Pinay na kinilalang si Marie Guillermo Ruzol ang 6-kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P40-million.
Dakong 3:30 AM nang dumating ang suspek sa NAIA Terminal-3 sakay ng isang Cebu Pacific flight mula sa Siem Reap, Cambodia.
Hawak na ngayon ng mga otoridad mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) si Ruzol at kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation. — ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)