Tiyak na mananagot ang balikbayang Pinay gayundin ang quarantine hotel na tinuluyan nito dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Ito’y ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa kasunod ng paglabas ng balikbayang Pinay sa kaniyang tinutuluyang hotel sa Makati City para dumalo sa party at kalauna’y nagpositibo sa COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ kay Herbosa, sinabi nito na malaking parusa ang kahaharapin ng Pinay at ng hotel dahil buhay at kaligtasan ng mas nakararami ang nakasalalay dito.
Lahat tayo mapapahirapan sa ginagawa nilang mali diba? Dahil nga hindi nila sinunod yung quarantine rules na ating proteksyon against Omicron. E baka Omicron na tong kumakalat dito sa atin. Yun kasi, baka hindi lang yan yung unang tao. Baka nagkataon lang na ito yung una na nag-post so social media kaya siya nahuli.” pahayag ni Dr. Ted Herbosa ng National Task Force Against COVID-19 sa panayam ng DWIZ.