Dream come true para sa Pinay Badminton Player na si Paula Lynn Obanana ang maglaro para sa Estados Unidos
Ito’y para sa nalalapit na Olympics na gagawin sa Rio De Janeiro sa Brazil sa darating na Agosto
Pag-amin ng tinaguriang Pride of Dumaguete na isang katuparan sa kaniyang mga pangarap ang makapaglaro sa Olympics bagama’t ibang bansa ang kaniyang kakatawanin
Nagsimulang maglaro ng badminton si Paula nuong 10 taong gulang pa lamang ito at naging bahagi ng Philippine Team para sa Southeast Asian Games
Ngunit sa Amerika na tumira ang pamilya Obanana nuong 2005 kung saan, duon na rin nito ipinagpatuloy ni Paula ang kaniyang karera
Makakasama ni Paula ang kasalukuyang Number One sa Women’s Doubles na si Eva Lee na lalahok din sa prestihiyosong kumpetisyon
By: Jaymark Dagala