Naungusan ng Filipino-Canadian tennis player na si Leylah Fernandez ang 2016 champion na si Angelique Kerber at world number 3 Naomi Osaka sa US open.
Ito’y makaraang mapatumba ni Fernandez sa kanilang laban si Kerber, dahilan upang siya’y makalusot na sa quarterfinals.
Una nang natalo ng 18 anyos na Pinay-Canadian tennis player si Naomi Osaka sa ikatlong round.
Magugunitang kinatawan ni Fernandez ang Canada nitong nakalipas na Tokyo Summer Olympics.