Napilitang bumalik ng bansa ang isang Pinay caretaker sa Taiwan matapos ang tatlong taon na pakikipagsalaran sa nasabing bansa.
Hindi kasi maganda ang pagtrato sa kanya sa pinasukan na amo.
Ayon kay Glaiza, hindi siya nito binibigyan ng day-off at wala rin sya umanong privacy dahil nagkalat ang CCTV maski sa kanyang kwarto, kaya ang kanyang pagbibihis ay sa banyo niya ginagawa.
Kanya rin daw tiniis ang lahat ng ito dahil plano niyang lumipat ng pabrika pagkatapos ng kanyang kontrata pero, hindi siya umano binigyan ng transfer paper ng taiwanese broker nito kahit anong pagmamakaawa nito.
Dahil mapapaso na rin ang kanyang mga kaukulang dokumento ay nagpasaklolo na siya sa OWWA, pero walang tawag na bumalik sa kanya matapos ang kanyang pagrereklamo.
Paliwanag naman ng OWWA, hindi maaring manghimasok ang kanilang opisina dahil aniya ay kapag nagkasingilan ang dalawang broker ay hindi ito dapat panghimasukan, pero pinagbabawal na kung siya na ang sinisingil ng dalawang panig.
Sa huli, napagpasyahan na lang niya na umuwi ng bansa at muling babalik kapag nasa ayos na ang lahat.—sa panulat ni Rex Espiritu