Napawalang-sala ang isang Pinay domestic worker sa Singapore na inakusahan ng pagnanakaw ng halos $6,000 US dollars mula sa matandang employer nito matapos i-apela ang kaniyang sentensya.
Ang nasabing Pinay ay hinatulang guilty sa unang bahagi ng taong ito sa 10 charges ng theft na umano’y ginawa nito nuong Enero at Pebrero ng 2017 at matapos ang siyam na araw na trial ay na sentensyahang makulong ng isang taon.
Ini apela ng Pinay ang hatol ng high court kung saan kumatawan sa kanya ang mga abogadong sina Suang Wijaya at Syazana Yahya na kumakatawan sa kanya pro bono o libreng legal services sa pamamagitan ng criminal legal aid scheme.
Ang apela ng pinay ay dininig ni Justice Chua Lee Ming at tinanggap ito ng parehong araw.
Ang acquittal ng Pinay ay nangyari matapos ang kaparehong insidente kung saan isang dating domestic worker mula naman sa Indonesia ang hinatulan ng guilty dahil sa pagnanakaw sa dating employer na businessman na si dating Changi Airport Group Chairman Liew Mun Leong subalit na napawalang sala rin ng high court.
Ikinatuwiran ng Pinay na ipinagkatiwala sa kanya ng among lalaking si Yong Choong Hiong, 89 years old ang pin sa ATM nito kayat nakapag withdraw siya ng tig-1,000 dolyar sa dalawang bank account ng employer bilang kumpensasyon sa paghawak sa kanya ng mayruong malisyang seksuwal at tangkang pakikipag talik nito sa kanya.
Sinabi pa ng pinay na kadalasang napipindot nya ang $1,000 dollars sa ATM kayat ibinabalik niya sa amo ang kalahati nito dahil $500 dollars lamang ang pangakong “bigay” sa kanya sa tuwing “hahawakan” siya nito.
Bigo ang prosecution na patunayang ninakaw ng Pinay ang ATM ng employer nito at patunayang nagkaruon ito ng access sa bank cards ng amo at pin ng walang basbas nito.
Iginiit ni Justice Chua na walang documentary record na ini-report ni Yong ang mga withdrawals na ginawa ng Pinay at kadud-dudang tatlong linggo pa ang lumipas bago siya nagsumite ng police report.