Pinaboran ng korte sa Hong Kong ang isang Filipina domestic worker matapos umano itong mabiktima ng exploitation ng among Briton.
Matatandaang na-convict si Brian Apthorp dahil sa indecent assault laban sa Pinay na si alyas “Maria” noong nakaraang taon.
Ngunit matapos manalo sa kaso, naghain ng hiwalay na legal suit ang biktima laban sa Hong Kong government dahil sa umano’y “lutong makaw” na imbestigasyon hinggil sa trafficking at forced labor.
Sa desisyon ni High Court judge Russell Coleman, inilarawan nito ang pagsisiyasat sa kaso ni “Maria” bilang “prematurely curtailed” at binanggit din na hindi ito makatwiran at hindi ibinatay sa katotohanan.
Ang landmark ruling ay maituturing ding panalo sa hanay ng mga migrant worker activists na nakikipaglaban para sa 340,000 domestic workers sa Hong Kong na kinabibilangan ng mga Pinay at Indonesians na umano’y lantad sa pang-aabuso at pananamantala.