Humihingi ng halos $22,000 dollars ang isang domestic worker sa employer nito sa Hong Kong na inireklamo niya ng sexual harassment.
Ang kaso ay isinampa ng equal opportunities commission na kumakatawan sa nasabing Pinay.
Ibinunyag ng Pinay na nagsimula siyang nag trabaho sa bahay ng employer niyang guro sa Yuen Long area at nakaranas ng sexual harassment sa pagitan ng Oktubre 2017 hanggang Enero 2019.
Kabilang aniya sa ginawa ng employer niya ang pagpapakita nang nakahubad at pinaglalaruan ang maselang bahagi ng katawan nito gabi gabi matapos ang hapunan nila lalo na nang umalis ang asawa at mga anak nito patungong Canada nuong Hunyo 2018.
Inamin ng Pinay na hindi siya umalma dahil sa takot na mawalan ng trabaho lalo pat sinusuportahan niya ang tatlong anak niya at kanyang mga magulang subalit napilitang tapusin ang kanyang kontrata nuong Pebrero 2019 nang hilingin ng employer na “paligayahin” niya ito gamit ang kanyang mga kamay kapalit ng plane ticket mula Pilipinas pa hongkong matapos ang maikling bakasyon.