Patay ang isang pinoy health frontliner sa New Jersey sa Amerika dahil sa matinding tama sa ulo.
Ito ayon kay Philippine Consul General Elmer Cato ay matapos mabiktima si Maria Ambrocio ng isang palaboy na mabilis tumakas sa New York Times Square.
Ipinabatid ng kapatid ni Ambrocio na si Carlito sa New York post ang pagkamatay ng pinay healthworker pasado alas-8 kaninang umaga, oras sa Pilipinas.
Nanawagan si Cato sa mga otoridad sa Amerika na gumawa ng mga hakbangin para maging ligtas ang mga lansangan sa nasabing bansa ..matapos ang sinapit ni Ambrocio.