Sasabak muli sa world championships si Pinay gymnast Breanna Labadan matapos masungkit ang ika-9 na puwesto sa individual all-around finals ng 14th Rhythmic Gymnastics Asian Championships kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Nakakolekta si Labadan ng kabuuang 110.40 points sa torneong inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines at suportado ng Philippine Sports Commission.
Naka-score siya ng 26.10 sa hoops, 29.40 sa ball, 28.30 sa clubs at 26.45 sa ribbon na mas mataas ito kumpara sa iniskor niya sa 2022 edition ng torneong idinaos sa Pattaya, Thailand.